Masuwerte tayo dahil tayo ay nakatira sa mabuti at mayaman kapalgiran kung saan nakalalanghap tayo ng sariwang hangin, nakaiinom ng malinis na tubig at nagagamit natin ang mga produkto galing sa lupa katulad nalang ng halamang lupa, puno, bungang kahoy at marami pang iba. Dahil sagana tayo nito kailangan nating mapanatili ang kagandahan at kasaganahan nito sa pamamagitan ng paggawa ng aksiyon na makabubuti sa ating kapaligiran bilang isang kabataan, estudyante o mabuting mamamayan ng ating mundo.
Heto ang limang paraan para makatulong tayo sa ating kalikasan:
1.Mag-aral tayo ng mabuti
Kung mag-aaral tayo ng mabuti marami tayong matototohan at magagamit natin sa pagpapaunlad ng ating mundo. Dito rin natin malalaman ang mali at tama lalo na sa usaping pangkalikasan. Matototohan natin ang tamang disiplina na dapat taglayin ng bawat isa dahil una sa lahat kung nais nga natin ng kaunlaran,pagbabago o pagkakaroon ng kaayusan sa paligid at mabuting relasyon sa ating kapwa kailangan muna natin matotonan ang pagdisiplina sa ating sarili o pagkakaroon ng disiplina. Ito ang pinakamahalagang aspekto para magkaroon ng kaayusan at kalinisan.
2. Huwag itapon ang basura kahit saan
Palaging alalahanin " Basura mo, Ibulsa mo". Kahit nasaan ka kung wala kang makitang basurahan ibulsa mo lang muna o di kaya kung marami ito tipunin lang muna natin ito sa isang supot saka na natin ito itapon kung meron nang tamang basurahan. Huwag din natin itapon ang basura sa mga anyong tubig dahil magiging madumi ang tubig at malalason ang mga hayop na naninirahan sa tubig katulad nalang ng isda dahil ang mga basura ay nagtataglay ng nakalalason na kemikal. Itong ating basura na itinatapon natin kung saan-saan ay nagdudulot ng baha dahil binabara nito ang daluyan ng mga tubig. Isa pa, ito ay nagpaparumi sa ating kapaligiran.
3. Magtanim ng puno
"To plant trees is to save LIVES" itatak natin sa ating isip itong islogan na ito dahil kung walang puno malaking kabawasan ito sa ating kayamanan at ang puno ay nakapagliligtas sa ating buhay. Alam naman natin na ang puno ay may malaking ginagampanan sa ating buhay at pamumuhay. Sa halip na magputol at magputol tayo ng mga puno para sa ating pansariling paggamit alalahanin natin na palitan natin ito dahil sa pagputol ng puno ay may responsibiladad itong kaakibat. Ang puno ay magliligtas o magsusugpo sa atin sa kalamidad.
4. Bawat patak ng tubig ay mahalaga (conserve water)
Sa ating henerasyon ngayon hindi na pinapahalagahan ang tubig. Huwag tayo maging maaksaya sa tubig. Alamin natin ang tamang pamamaraan at paggamit ng tubig. Kung may mga sira sa mga linya ng gripo kumpunihin ito agad para hindi masayang ang tubig. Mabahala tayo na patagal ng patagal nababawasan ang malinis na tubig kaya habang maaga pa solusyonan natin ito.
5. Huwag magsunog ng plastik
Ugaliin nating huwag magsunog ng mga plastik dahil ang usok galing sa sinunog na plastik ay nakasisira o nagpapanipis ng ozone layer . Kung patuloy nating gagawin ito tuluyang masisira ang ating ozone layer na mahalaga para tayo maproteksyonan sa masamang elemento galing sa kalawakan na hindi mabuti sa ating kalusugan. Kaya rin nagkaroon ng climate change sapagkat ang ating ozone layer ay nagkaroon ng butas kaya huwag na tayo magsunog ng mga plastik.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento